GAMIT ang mga makabagong coin deposit machines, pumalo na sa mahigit P1 bilyong halaga ng barya ang naipon ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula nang ilunsad ang naturang programa noong nakaraang taon.
Sa datos ng BSP, umabot na sa P1,008,889,490.24 ang kabuuang bilang ng baryang dineposito sa 24 coin deposit machines na nakadeploy sa mga SM at Robinsons commercial malls sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa pamamagitan ng coin deposit machines, pwedeng ideposito ang mga barya sa e-wallet accounts tulad ng GCash, Maya, GoTyme bank accounts o di naman kaya’y i-convert na shopping vouchers.
Sa isang pahayag, ibinahagi rin ng BSP ang planong pagdaragdag ng 25 coin deposit machines sa susunod na taon.
“This will make it more convenient for Filipinos to deposit their idle coins, helping recirculate them back into the economy while promoting cashless transactions,” saad sa pahayag ng BSP.
