POSIBLENG makulong ng hanggang 10 taon ang sinumang negosyante o establisimyento o operator na tatangging tanggapin ang nakatuping P1,000 polymer bill, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Itinanggi rin ng BSP ang mga naglabasang balita na hindi na maaaring gamitin ang perang nakatupi o nalukot.
Ayon kay Bank Officer V Nenette Malabrigo, ng Currency Policy and Integrity Department ng BSP, may katapat na parusa ng hanggang 10 taong pagkakakulong ang sinumang negosyante o business operator na hindi tatanggap ng nakatiklop na polymer bill.
“Fake news po ‘yan. Hindi totoo na hindi na magagamit ang bagong P1,000 polymer bill kapag
Kasabay nito’y hinikayat ni Malabrigo ang publiko na isumbong sa kanilang opisina ang mga negosyanteng tatangging tumanggap ng nakatuping pera.