MAGKAKAROON ng dagdag-bawas sa presyo ng langis sa susunod na linggo, ayon sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines, Inc. ngayong Sabado, Disyembre 16.
Sinabi ng Unioil na maaaring manatiling pareho ang presyo ng diesel o bumaba ng ₱0.10 kada litro.
Hindi naman inaasahang magbabago ang presyo ng gasolina.
Inaasahan ang mga pagsasaayos ng presyo mula Disyembre 19 hanggang 25.
Noong Disyembre 14, sinabi ng Department of Energy na ang year-to-date net increase para sa gasolina ay ₱11 kada litro, ₱3.85 kada litro para sa diesel at ₱0.54 kada litro para sa kerosene.