NAKATAKDA na naman ang pagpapataw ng dagdag-presyo sa bentahan ng petrolyo sa merkado, ayon sa mga oil industry players.
Para sa gasolina, asahan ang 90 sentimos na ipapataw sa presyo kada litro ng gasolina, habang 70 sentimos naman ang nakaambang umento sa krudong karaniwang gamit ng mga pampublikong transportasyon.
Wala naman nakikitang paggalaw sa halaga ng kerosene na gamit sa pagluluto ng pagkain.
Ayon sa mga dalubhasa sa industriya ng langis, mataas na demand ang nagtulak sa panibagong oil price hike sa gasolina at krudo.