
NAGSAMPA ng kaso ang National Union of Food Delivery Riders (NUFDR) laban sa Grab Philippines matapos umanong suspendihin o i-ban ang ilan sa mga rider na nagreklamo sa bagong fare restructuring program that supposedly na nagbawas sa kanilang kinikita.
Sa kalatas, sinabi ng grupo na na nagreklamo ang mga apektadong rider sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa “unfair labor practices” matapos silang magprotesta noong Oktubre 25 dahil sa pagbabago sa the fare structure.
Nabatid na ang base fare sa food delivery ay natapyasan mula ₱35 sa dating ₱45, habang ang per-kilometer rate ay nabawasan sa ₱7 mula ₱10.
Nasa kabuuang siyam na rider ang naharap sa suspensiyon at na-ban ngunit sinabi ng NUFDR na nakatanggap sila ng mahigit sa 50 reklamo.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Grab sa isyu ngunit sa mga unang pahayag ay sinabing ang bagong sistema ay upang tugunan ang “imbalance” sa sistema dahil ang bayad ay depende na sa layo at paghihintay ng rider sa merchant outlets.
Sinabi rin ng kompanya na ito ay garantisadong pagkita ng rider ng mas mataas sa minimum wage.