MAGTATAAS ng hanggang P2.50 ang mga kompanya ng langis epektibo bukas, Setyembre 19.
Sinabi ng mga oil firms na itataas ang presyo ng gasolina ng P2 kada litro at P2.50 naman sa diesel. Itataas din sa P2 ang presyo ng kerosene.
Ipatutupad ng Caltex ang implementasyon ng alas-12:01 ng medaling araw ng Martes, alas-6 ng umaga sa Caltex at alas-4:01 sa CleanFuel.
Sinabi ni Rino Abad, director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau na ang pagtaas ay bungan ng desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries’ (Opec) decision na palawigin pa ang pagtitipid sa produksiyon hanggang Disyembre nitong taon.
“Practically speaking, they will decide by December if they will continue the production cuts. We won’t know until January next year if they will change this,” sabi ni Abad.