INAASAHANG ihaharap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng Maharlika Investment Corp. (MIC), namamahala sa Maharlika Investment Fund (MIF), ang rekomendasyon sa anim na bakanteng posisyon sa board of directors sa Setyembre 29.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang advisory body ay kabibilangan ng budget secretary, secretary ng National Economic and Development Authority at national treasurer.
“They [advisory body] will be recommending [candidates for the positions of] president and CEO as well as two regular directors and three independent directors,”ayon kay Diokno nang kapanayamin.
Si Diokno ang magiging MIC chair bilang finance secretary.
Ang presidente at CEO ng Land Bank of the Philippines at the Development Bank of the Philippines ang kukumpleto sa siyam na miyembro.
Inilabas ang IRR noong nakaraang buwan na nagsasabing ang tatlong ito, bilang mga ex officio board members ay maaaring magtalaga ng alternatibo, ibang tao na uupo sa halip na sila mismo.
Isa sa kautusan sa MIC board ay ang maghanap ng lokasyon bilang head office sa Metro Manila, magtalaga ng corporate secretary, chief investment and operating officer at iba pang opisyal at kawani na bubuo ng compensation structure at iba pang regulasyon.
Hanggang noong nakaraang linggo, umaabot na sa P107 bilyon sa P125 bilyon ang kabuuang inisyal na capital sa pagremit ng Landbank at Asian Development Bank.