KASABAY ng paggunita ng pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ang dagdag-pahirap na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo pagsapit ng Martes Santo.
Batay sa isinapublikong abiso ng kumpanyang Unioil Philippines, pinakamalaki ang inaasahang umento sa presyo ng gasolina – P1.40 kada litro.
Maglalaro naman mula 30 hanggang 50 sentimos kada lito ang posibleng ipataww na dagdag sa presyo ng krudo.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), nabawasan ng P4.15 ang presyo kada lito ng krudo mula Enero. Taliwas naman ang direksyon ng gasolina na tumaas ng P4.65 kada litro mula Enero 2023.
Samantala, natabasan naman ng P9.20 kada kilo ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa merkado.
Limang piso naman ang tapyas sa Auto LPG.