INAASAHANG magkakaroon ng roll back sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sinasabi na ang presyo ng diesel ay posibleng bumaba ng P.40 hanggang P0.60 habang ang gasolina ay posibleng bumaba ng mula P0.10 hanggang P0.20 kada litro.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na matapos umano ang serye ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay inaasahan ang mga paggalaw sa apat na araw na trading tulad halimbawa sa presyo ng gasoline na walang paggalaw o bahagyang pagtaas o rollback habang ang diesel at kerosene ay may mataas na tsanya ng pagbawas ng presyo.
