HABANG abala ang buong bansa sa nalalapit na halalan, inakala ng isang sindikato sa likod ng agricultural smuggling na makakalusot ang hindi bababa sa P28.7-milyong halaga ng asukal sa Port of Subic.
Sa ulat ng tanggapan BOC District Collector Marlon Fritz Broto kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, 14 dambuhalang container van na pawang kargado ng refined sugar mula sa lalawigan ng Dong Nai, Vietnam ang nasa kustodiya ng kawanihan dahil sa mga paglabag sa umiiral na regulasyon sa pag-angkat ng mga produktong agrikultura.
Batay sa dokumentong hawak ng Port of Subic, “sweet mixed powder” ang idineklara ng hindi tinukoy na importer.
Pagtitiyak ng BOC, sasampahan ng patong-patong na kaso — kabilang ang paglabag sa Anti-Agricultural Sabotage Act at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Anti-Agricultural Sabotage Act ang naturang kumpanya.
