Alam niyo ba mga kumpadre’t kumadre na ang Sampaloc sa siyudad ni Mayor Dr. Honey Lacuna ay binabaha na mahigit 100 years ago?
Pinost ng Nostalgia Philippines sa Facebook ang isang litrato kuha noong 1920s sa Geronimo Street (dating kilala bilang Gardenia Street) sa Sampaloc, Manila na ang baha ay lagpas tuhod.
Kaya hindi naman kataka-taka na sabi ng dating kong mga kapitbahay sa siyudad ni Mayor Vico Sotto na nagpadala ng trivia sa GC.
Tanong: Kung ang Bahasa Malaysia ang pambansang wika ng Malaysia, ano ang national language ng Indonesia at Brunei?
Sagot: Bahasa Indonesia ang pambansang wika ng Indonesia at Bahasa Melayu ang pambansang wika ng Brunei.
Pero sa atin ang Bahasa Pilipinas ay pambansang sakit ng ulo tuwing umuulan kada taon sa nakalipas na mahigit 100 years.
Joke pero malaman di ba PCO Secretary Cheloy Garafil?
OOoOO
Napansin ko lang Kosang Non Alquitran ng Pilipino Star Ngayon na tila ang kaya lang hulihin ng MMDA at ng mga local traffic enforcers yung mga private vehicles pero yung mga nag jaywalking, namamalimos sa kalsada meron pang kasamang bata at mga illegal street vendors hindi hinuhuli?
Nagtatanong lang naman ako Allan Bergonia ng Abante, pero tingin ng iba natin mga kumpadre’t kumadre walang takits sa mga jaywalkers kahit meron silang risks masagasaan sa kalsada.
Tama ba Noche Casas ng DZRH na public knowledge na meron tara ang mga local traffic enforcers o MMDA o pulis sa naglipanang namamalimos at nagbenenta sa gita ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila?
OOoOO
Sobrang ingay ang tambalan ng Pamalakaya at ng Oceana Philippines kaugnay ng seabed quarrying na ginagawa ng kumpanya ni Boss Ramon Ang sa probinsiya ni Governor Jonvic Remulla.
Ika ni Oceana Philippines Vice President Atty. Gloria Ramos, nag request sila sa Senado na imbestigahan ang dumaraming reclamation projects sa Manila Bay kabilang ang Pasay, Manila at Navotas.
Tila si Senadora Laila de Lima lang ang tumugon sa panawagan na imbestigahan ang mga reclamation projects hindi lamang sa Manila Bay kundi pati sa ibang probinsiya pati na rin ang massive seabed quarrying projects tulad ng ginagawa ng San Miguel Corporation sa Tanza, Cavite.
Sa magkanong dahilan, Estong Reyes ng Saksi Pilipinas kung bakit si Senadora Laila de Lima lang ang sumuporta sa panawagan ng Oceana Philippines?
OOoOO
Ibig sabihin ba, National Press Club Director Madz Dominguez na si Senadora Laila de Lima lang ang nakakaintindi kung ano ang masamang dulot ng seabed quarrying sa ating kalikasan, kabuhayan ng mga mangingisda at hangarin ng pamahalaan ni Pangulong BBM na magkaroon ng food security sa ating bansa?
Ang siste Jonathan Mayuga ng Business Mirror na tila cut and paste lamang ang ginagawa ng mga kumpanyang pinayagan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na mag sagawa ng seabed quarrying.
“In this regard, we call on the government to immediately stop these projects. We demand accountability from the concerned national and local governments who are allowing these ecologically devastating projects to destroy our ocean, without compliance with the requirements and mechanisms provided for by our national laws including the required genuine public consultation provided for by the Local Government Code and compliance with Environmental Impact Assessment System Act,” sinabi ni Atty. Gloria Ramos ng Oceana Philippines.
Hindi naman maikakaila ng mga project proponents ng reclamation sa Manila Bay at sa Bulacan na ang mga kinukuhang marine sand sa dagat ay ginagamit na filing materials para sa dump-and-fill ng kanila mga multi-billion pesos project di ba Ka Nanding Hicap ng Pamalakaya?
Kung si DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga ay mananatiling impartial at isususog ang interes ng bansang Pilipinas, dadaan sa butas ng karayom ang ilan pang reclamation projects.
Ano na nga pala ang balita sa “cumulative impact assessment” na ipinag-utos ni DENR Secretary Toni Loyzaga sa mga reclamation projects.
Madam DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga suportado po namin kayo sa inyong hangarin, pero sana hindi po natutulog sa kantonan ni Peter Lee ang inyong inatasan magsagawa ng “cumulative impact assessment.” Tama ba dating DENR Undersecretary Benny Antiporda?
Paki tandaan: bawal ang pikon at ang pikon ay laging talo. Peace be with you all!