NAMPUCHA talaga mga kumpadre’t kumadre, tumpak yung sinulat ni Buliit Marquez ng VERA Files – ‘Mahal sa Pilipinas: One year of Marcos (Jnr.) presidency’
Sino ba ang magaling na nag isip ng “Love the Philippines” slogan ng Department of Tourism? Ikaw ba Tourism Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco o baka naman si Presiudential Adviser on Creative Communications Paul David Soriano?
Tama ba Angelica Villanueva ng Manila Standard dapat meron “comma” sign sa “Love, the Philippines” eh akala ata “coma” as in comatose o kaya “cama” as in bed kaya sumigaw si Direk ng “cut” at sabi ni Toni G wholesome lang dapat.
Alam nila Ares Gutierrez, Jun Burgos at Porky Porcalla kung na-konsulta lang siguro si PCO Secretary Cheloy Garafil o kaya si Eric Garafil sigurado meron kaming raket, ikaw naman oh Elmer Mesina, siguradong walang abirya tulad ngayon.
OOoOO
Tuloy iba ang naging kahulugan di ba APO Printing Office Chairman Ricky Alegre.
Bumalik uli yung usapin sa barber shop ni Mang Berting na mahal pa rin sibuyas sa Pilipinas. Hirit naman ni Aling Pinang na mahal rin ang gamot sa Pilipinas. Ika naman ni Kuya Bodying na mahal ang internet sa Pilipinas. Sabi ni Mang Gorio na mahal ang kuyente, krudo at langis sa Pilipinas.
Tama talaga sila dating Congressman Neri Colmenares at dating Congressman Teddy Casino pati si Wilson Fortaleza na isigaw sa kalsada “Mahal sa Pilipinas!” kaya nararapat lang “Sweldo Itaas!” at “Presyo Ibaba!”
Sa aking pakiwari Bishop Ted Bacani at Dean Abe Espejo ng San Sebastian College of Law eh talaga namang ginagawa ni Pangulong BBM na mapabuti ang buhay ng bawat kababayan natin di ba PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez? Bobby Ricohermoso na consultant ni PCSO General Manager Mel Robles paki tanong nga si classmate Ed Cordevilla kung bilib pa siya kay BBM o dehins na?
OOoOO
Ika nga ni dating Foreign Affairs Secretary Bobby Romulo kay dating Pangulong FVR “the buck stops here, I’m gone” dahil sa walang humpay na protesta kaugnay sa pag bitay kay Flor Contemplacion sa Singapore. Kung maalala ni Malou Talosig-Bartolome ng Business Mirror si Flor Contemplacion ay binitay matapos mahatulan sa pagpatay sa kapwa Pinay at isang batang Singaporean.
Ngayon walang yagbols ang mga kilalang tao lalo pa’t kung nagkamali sila di ba Tita Tina Monzon Palma? Ika nga ng aking Lolo, importante sa isang tao na marunong umamin sa kanyang pagkakamali, humingi ng paumanhin at magsilbing leksyon ang pagkakamaling nagawa.
Muhkang hindi naituro ni Cebu Governor Gwen Garcia sa kanyang anak yung sinabi ng aking Lolo, tama ba Junex Doronio ng Maharlika TV?
OOoOO
Ang masaklap nito Jerry Olea ng PEP at Tita Aster Amoyo ng TicTALK ginawang sacrificial lamb ang DDB Philippines. Pero barya lang yung P50 million sa DDB Philippines at kumita naman sila ng malaking tapwe sa ibang ginawa nilang advertising, PR at iba pang creative work di ba Boss Gil Chua ng DDB Philippines?
Isa sa mga high paying clients ng DDB Philippines ni Boss Gil Chua ay ang PLDT, ang Smart at ang Meralco.
Sa mga high paying clients ng DDB Philippines ni Boss Gil Chua, Joe Zaldariaga ng Meralco, bakit palpak ang customer service relations at tila walang ka-PR, PR ang PLDT at Smart, ewan ko lang yung ibang kumpanya ni Ninong MVP kung salbay rin.
OOoOO
Dapat sana umamin na kung sila ang meron kagagawan ng kapalpakan na Mahal sa Pilipinas para we can move on na di ba Ninang Imee Marcos?
Pinagre-resign ba natin Ninang GMA sa katungkulan kung sino man ang magaling na nasa likod ng kapakpakan na ito. Hindi naman di ba Tol, Senator Francis Tolentino.
Muli bawal ang pikon sa mga mambabasa natin. Kelan man hindi nag wawagi ang pikon. Peace be with you all!