PARANG larong chess ang galawan ng pulitika sa ating bansa, mga kumpadre’t kumadre.
Nabalitan niyo na marahil na si Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ng ikalawang distrito ay na-demote sa Kamara de Representantes.
Pinalitan ni Pampanga Congressman Dong Gonzales ng ikalawang distrito si CGMA bilang Senior Deputy Speaker. Tama ka Governor Delta Pineda na magkasama si Cong Dong Gonzales at si CGMA sa Lakas-NUC na siya rin Partido Pulitikal ni Speaker Martin Romualdez, ang pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Pero hirit ni Marlen Ronquillo ng Manila Times na si Cong Dong Gonzales ay kumalas sa Lakas-NUCD at sumapi sa PDP-Laban hindi para makasama si Senator Koko Pimentel kundi upang lumaki ang kanyang pera sa bulsa este pondo ng kanyang distrito sa Pampanga. Totoo ba ito DPWH Regional Director Roseller Tolentino?
Mabalik tayo sa demotion ni CGMA. Animoy ang pag demote kay CGMA ay isang Karo-Kann Defense ni Speaker Martin Romualdez at ng kanyang mga political advisers. Pero mukhang minamaliit ni Speaker Martin ang kakayahan ng dating Pangulo di ba Ruben Manahan?
Alam nila Arnold Clavio ng DZBB at Kabayan Noli De Castro ng ABS-CBN kung gaano kalalim mag isip ang kapatid ni dating Pampanga Vice Governor Cielo Macapagal-Salgado. Minamatiyagan natin ang gagawing Sicilian Defense ni CGMA. Tama si CGMA at ang kanyang mga political advisers sa inisyu nilang Statement, pero malalim ang kanyang mga katagang binitawan. Nakita naman natin lahat kung paano pinatalsik ni CGMA si Pangulong Erap sa Palasyo di ba Deo Macalma ng DZRH?
Hindi ko personal na kakilala si CGMA pero nagpatulong ang isa niyang malapit na kaibigan sa akin dati na agad naman nating tinulungan pero akala at ani CGMA na meron bayad ang tengkyu kaya hindi man lang nagpasalamat ang anak ni yumaong Presidente Diosdado Macapagal.
Agad naman nagbitiw si Vice President Inday Sara Duterte-Carpio bilang miyembro ng Lakas-NUCD na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez at ni CGMA. Ito ang French Defense ni VP Sara upang mawala ang usok sa kanyang paligid.
Usok ba kamo Allan Encarnacion? Di ba nga ang suspetsa nila Speaker Martin Romualdez na si CGMA ang tinatawag na #BotoxMama at si VP Sara naman ang tinatawag na #SWOH. Tama ba ito Jocelyn Tapic? Naku kayo talaga nila Aster Amoyo at Robert Requintina ng Manila Bulletin kung ano-anong naiisip niyo.
Tanong nila Ka Rene Sta Cruz ng DZBB at Vic de Leon Lima ng DZME bakit ba na demote si CGMA at kulas sa Lakas-NUCD si VP Sara? Ito ang bulong sa atin ng mga Seksing Saksi sa Kamara de Representantes – meron daw planong i-impeach si PBBM kaya inunahan ng mga tao ni Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ng pag demote kay CGMA, at upang patunayan ni VP Sara na tapat siya kay PBBM ay kumalas siya sa Lakas-NUCD.
At dahil nga nag resign si VP Sara sa Lakas-NUCD, maraming Partido Pulitikal ang nag pulong agad upang pag usapan kung paano nila hihikayatin ang anak ni Tatay Digong na sumama sa kanilang Partido.
Kung friends si VP Sara at si Senator Bong Go, pwede sumapi sa PDP-Laban ang anak ni Tatay Digong di ba Macon Araneta ng Manila Standard?
Tama ba Nimfa Ravelo ng DZBB kung naniniwala si VP Sara na malakas pa ang Erap Magic ay pwede niyang samahan sila Senator Jinggoy Ejercito Estrada, Senator JV Ejercito at Laguna Governor ER Ejercito sa PMP?
O kaya hirit ni Cherry Light ng SMNI na maari rin samahan ni VP Sara si dating Senate President Manny Villar, Senator Cynthia Villar at Senator Mark Villar sa NP?
Naku wag kayong mag alala Senator Pia Hontiveros at hindi sumasagi sa isip ni VP Sara na sumanib sa LP ni Senator Kiko Pangilinan o KBL nina dating First Lady Imelda Romualdez Marcos at Senator Imee Marcos?
Pero ang balak ata ni Vice President Sara, tama ba ito Ira Panganiban, na palakasin ni Manang Inday ang kanyang Hugpo at gawing Partido Pulitikal?
Hindi lang milyon-milyong salapi ang gugugulin para maging relevant political party ang Hugpo sa national election kundi bilyon-bilyong datung ang kailangan.
Di ba tinutulan ni VP Sara ang EDCA? Ang ibig sabihin ba nito hindi sa mga Kano at Hudyo ang popondo sa ambisyon ni VP Sara na maging Pangulo rin tulad ni Tatay Digong? Naku wag mo naman sabihin na sa Intsik Bejo ang popondo kay VP Sara? Abangan natin ito, mga kumpadre’t kumadre.