HINDI sapat ang katagang nakakaumay para ilarawan ang mala-karnabal na imbestigasyon ng Kamara kaugnay ng giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.
Walang masama sa congressional probe kung ang target palutangin ay pawang totoo. Pero kung ang hangad lang ay gibain ang pagkatao ng iba sa ngalan ng pulitika, utang na loob, tigilan niyo na bago pa malantad ang inyong ginagawa.
Tulad na lang nitong isang kongresista pabida sa ika-pitong pagdinig kung saan lumutang ang isang testigong nagturo ng kung sino-sino para makaiwas sa kinasangkutang bulilyaso – ang pamamaslang kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga.
Habang pinapanood ko ang pagdinig, hindi ko maiwasan matawa. Dangan naman kasi sa Rizal din ako nakatira at at sa aming lalawigan umaalingasaw ang lahat ng baho ng taong gobyerno.
Kasama sa may mabantot sa pagkatao ang naturang kongresistang protektor ng mga tulak sa nasasakupang distrito. Arbor dito, arbor doon ang kanyang estilo, ayon mismo sa barangay chairman na kanyang binalaan.
Bakit nga ba niya sinasalag ang pagdakip ng mga pulis sa mga taong sangkot sa tuwing may nakakalawit na big-time drug pusher ang pinagsanib na pwersa ng barangay at lokal na pulisya? Sa aking sapantaha, hindi boto ang habol niya lalo pa’t may pambili naman siya sa tuwing sasapit ang halalan dito sa aking mahal na lalawigan.
Pero sa pamilya, hindi lang siya ang may bahid ng kawalangyaan. Ang kanyang nakababatang kapatid, kilalang land grabber sa aming probinsya.
Ang totoo, lubos na kinatatakutan ang tambalan ng mag-utol na kapwa nagsilbing unipormado. Pero bago sila nagretiro, isang operasyon ang nagpayaman sa kanila ng todo-todo — ang Kuratong Baleleng!
Sa punto ng ito, higit na AngCOP talupan ng Kamara ang tunay na pagkatao ng kabarong nagpapanggap na matino.
