MATAPOS na hawakan ang pamahalaan noong Hunyo 30, 2022, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pinatunayang tama si Lao Tzu na nagsabing “doing nothing is better thanb being busy doing nothing.”
Ito ay consistent kay Marcos Jr., na nabigong makakuha ng degree sa Oxford, gumugol ng ilang araw sa Singapore para manood ng karera ng sasakyan, mas piniling lumipad sa mga lugar ng sakuna kaysa nasa lupa para maghatid ng tulong, at ngayon ay nasa US upang makipagkita kay US President Joe Biden habang milyun-milyong manggagawang Pilipino na naghahangad na itaas ang minimum na sahod sa P750 araw-araw ay sinabihan ng DOLE na walang dagdag sahod para sa kanila.
Ito si Marcos Jr., na tumangging ma-interpellate noong siya ay nasa Senado, tumangging dumalo sa mga debate ng mga kandidato sa pagkapangulo noong nakaraang taon at pumayag lamang sa mga panayam sa kanyang sariling mga propagandista.
Sa hindi pakikipag-usap at pagtangging matanong, nakompirma niya na ang prevarication ay isang sining na kanyang natutuhan nila mula sa kanyang betters. Does he refuse to be asked because he has nothing to say, or he can talk in circles, stringing inanities along the way, and digress every second while expecting to be praised for his “wit and candor”?
Ang mga taong ayaw harapin ang mga suliranin ng bayan ay wasto lamang na punahin, gaya ng mga manggagawang kritiko na hanggang ngayon ay hindi naliliwanagan ang pagbugso ng 20 milyong boto para sa kanya at kay Sara Duterte Carpio noong 8:02 ng gabi ng Mayo 9, 2022 kaya’t alumpihit ang Comelec na sementuhin ang mga logs na nagpapatunay na tunay ang mga botong ito.
While the entire working class in the country doubts the legitimacy of Bongbong and Sara as duly elected leaders, its ranks can be sure of one thing: Both do not possess the empathy and industry needed for national leaders.
Habang ipinagdiriwang ng mundo ang Araw ng Paggawa, hiniling ng mga manggagawang Pilipino na bigyan sila ng gobyerno ng umento sa sahod, disenteng kondisyon sa pagtatrabaho at igalang ang kanilang karapatang mag-unyon at kalayaan sa pagsasamahan, sabi ni Jerome Adonis, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ilang araw bago ang Labor Day, nagbuwis ng buwis si Alex Dolorosa, isang organizer ng BPO workers sa Negros Occidental. Kinondena ang pagpaslang sa kanya maging ng US Department of State.
Kinondena ni Sarah Prestoza, vice chairperson ng BPO Industry Employees Network (BIEN),ang pagpatay kay Dolorosa at iginiit na dapat suportahan ng gobyerno ang mga manggagawa sa BPO na hina-harass dahil sa pag-oorganisa ng kanilang hanay at paghingi ng mas mataas na sahod.
Sa kabila ng pagkakatatag ng Department of Migrant Workers (DMW), sinabi ni Arman Hernando ng Migrante Philippines, walang komprehensibong programa para sa mga OFW. Nanindigan si Hernando na batay sa pagsusuri ng Migrante, 25% ng mga OFW ay hindi magtatrabaho sa ibang bansa kung ang pambansang minimum wage ay itataas upang maging katumbas ng sahod sa ibang bansa. Hindi rin sila magdaranas ng mga pang-aabuso at diskriminasyon.
Ang mga kababaihang manggagawa ay tumatanggap din ng mas mababang suweldo, kasing baba ng kalahati ng minimum na sahod sa NCR, reklamo ni Jacq Ruiz, tagapagsalita ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK.) Dapat ding tugunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kawalan ng trabaho at diskriminasyon laban sa kababaihang manggagawa, dagdag niya.
“Regional na nga, mas maliit pa ang tinatanggap na sahod ng mga manggagawa sa agrikultura. Sa Mindanao, may nakakatanggap ng P180 hanggang P250. Less P50 pa ang sweldong tinatanggap ng kababaihang manggagawa. Sa Mayo Uno, may KADIWA si BBM. Paano makakabili kung ang sahod ay kulang?” ayon kay Ayik Casilao, isang dating mambabatas at ngayo’y tagapagsalita ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA).
Hindi rin maayos ang kalagayan ng mga kawani ng gobyerno, reklamo ni Fernando Gaite, tagapagsalita ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), dahil mababa ang sahod, marami ang contractual, job order employees at walang security of tenure. Ang kanilang panawagan ay magpatupad ang gobyerno ng batas na ginagarantiyahan ang mga tauhan ng gobyerno ng P33,000 na minimum na suweldo.
Walang saysay ang pagbibida ni Marcos Jr. sa ibang bansa at pag-aaksaya lang ng pera ng bayan ang kanyang mga biyahe kung kumakalam ang sikmura ng mga manggagawa sa sarili niyang bakuran.