PROXY war ng US of A kasama ang ilang pro democratic countries kontra China pormal na nag simula dahil sa kaliwa’t kanang reclamation na sinasagawa sa makasaysayang Manila Bay.
Ito ay matapos mag labas ng kalatas ang US Embassy sa Manila kaugnay ng kanilang pagkakabahala sa mga sinasagawang reclamation mula sa Cavite hanggang Navotas kasama ang tulay na magdidikit sa Manila at Bataan sa pamamagitan ng Corregidor Island.
Sa unang pagkakataon naglabas ng opisyal na pahayag ang Embahada ng Estados Unidos sa Manila tungkol pag kopo ng China Communications Construction Co. o CCCC at ng kanyang mga pseudo companies sa mahigit 80 porsisyento ng mga reclamation projects sa Manila Bay.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang CCCC ay isang dambuhalang kumpanya naka-base sa Beijing at ang mga nakaupo sa CCCC ay matataas na opisyal ng kanilang partido komunista o kaya kasapi ng Chinese People’s Political Consultative Conference.
At dahil nga komunista ang China, lahat ng mga malalaking kumpanya nila ay pinopondohan ng Communist Party of China.
Para ngang sasabihin ni former Defense Secretary Bert Gonzales na meron banta sa national security ang ongoing reclamation projects sa Manila Bay di ba Defense Secretary Gibo Teodoro?
Paano nga pala kung ang mga tripolante ng mga dredgers ng CCCC nasa Manila Bay ay mga espiya di ba Igan Clavio ng DZBB? Hindi naman nagsagawa ng background investigation ang MARINA sa mga tripolante mula sa China bago dumaong ang kanilang mga barko sa Manila Bay o kaya bago mag simula ang reclamation projects di ba Kabayan Noli De Castro?
Ika ng US Embassy Press Attaché Kanishka Gangopadhyay: “We are also concerned that the projects have ties to the CCCC which has been added to the US Department of Commerce’s Entity List for its role in helping Chinese military construct and militarize artificial islands” in the West Philippine Sea.
Alam naman natin ni ex CJ Tony Carpio di ba Joel Saracho na ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari ng Pilipinas base na rin sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016.
Naku Ka Ipe Lustre meron mahigit 30 reclamation projects na isinasagawa sa Manila Bay ngayon at halos lahat na-pinger ng CCCC.
Tama ba Zen Hernandez ng ABS-CBN News Online na dalawang kumpanyang pinopondohan ng CCCC ay project developer ng malaking reclamation projects sa bayan ng magkapatid na sina Congressman Tony Calixto at Mayor Emi Calixto-Rubiano at sa bayan ni Mayor Honey Lacuna.
Akala nga nila Gil Cabacungan at Tatin Marfil ng Bilyonaryo.Com na ang puntirya lamang ng US Embassy ay ang Water Front Reclamation ng tatay nila Senator Win Gatchalian at DSWD Secretary Rex Gatchalian, pero dehis pala di ba Andy Garcia at National Press Club Director Madz Dominguez?
Ang Water Front Project ni Boss William Gatchalian sa Manila Bay na kalapit ng US Embassy ay ginagawa ng First Engineering Highway Company o FEHC na pagmamay-ari ng CCCC, di ba Boying Abasola ng Philippine News Agency?
Ewan ko ba Jean Fernando ng Manila Bulletin na kapag binigkas mo ng mabilis yung FEHC parang yung mga branded bags na mabibili mo sa bayan ni Mayor Francis Zamora. Si kosang Non Alquitran ng Pilipino Star Ngayon ngumingisi uli tila sinasabi kay James Catapusan ng Remate na mapapagalitan muli ako.
Kung FEHC ang project contractor ng Water Front Project ni Boss William Gatchalian, iba naman siyempre ang project contractor nila Boss Bigboy Sy para sa SM di ba Amor Virata?
Ano kamo Noche Casas ng DZRH at Jojo Sicat ng Abante News Online, ang project contractor nila Boss Bigboy Sy ng SM sa kanilang reclamation project sa Manila Bay ay ang China Harbor Engineering Company o CHEC.
Gaya ng FEHC, ang CHEC rin ay pseudo company ng CCCC na gumawa ng artificial island na matatagpuan sa Pilipinas.
Totoo ba Mao Dela Cruz ng DZBB na meron rin interest ang CHEC sa Pasay Harbor ni Boss Charlie Gonzales?
Pero ang sigurado ako Vic De Leon Lima ng DZME at Lakay Deo Macalma ng DZRH ang mga pinakamalaking dredgers sa buong mundo ay pagmamay-ari ng CCCC Tianjin Waterway Bureau, di ba Chinese Ambassador Huang Xilian?