
NABALITAAN niyo ba mga kumpadre’t kumadre ang pagsasagawa ng ‘cumulative impact assessment’ ang Department of Environment and Natural Resources sa pangunguna ni Secretary Toni Yulo-Loyzaga?
Buti naman at naisipan ni Secretary Toni magsagawa ng ‘cumulative impact assessment’ upang malaman kung ano ang epekto ng isang proyekto tulad ng reclamation sa kalikasan.
Teka bakit hindi ba naisip ito ni dating DENR Secretary Roy Cimatu, di ba dating DENR Undersecretary Benny Antiporda?
Hindi kaya ang ‘cumulative impact study’ na isinasagawa ng DENR ay tila operation pakilala lang ni Secretary Toni sa mga stakeholders ng reclamation sa Manila Bay tulad nina Charlie Gonzales ng Pasay Harbor, Bigboy Sy ng SM, William Gatchalian ng Waterfront Manila Premier Development at ang mag-asawang sina Francis at Belle Tiu-Laurel ng Frabelle kasosyo ang Robinsons Land ng pamilya ni Lance Gokongwei.
Tama ba PCO Secretary Cheloy Garafil na itinalaga ni Pangulong BBM si Frederick Go na dating pinuno ng Robinsons Land at pinsang buo ni Lance Gokongwei bilang Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs?
Hindi nga istilo ni Secretary Toni Yulo-Loyzaga ang operation pakilala, di ba Noche Casas ng DZRH?
Sino yung kakilala natin Mao Dela Cruz ng DZBB na buking natin nila Jean Fernando ng Manila Bullerin? Ibulong mo na lang James Catapusan ng Remate kay Elmer Mesina ha?
Ano ba yan, dating Vice Mayor Ding Del Rosario? Meron daw umoorbit na mga taga-Pasay City Hall sa ilang mga business locators kabilang ang SM at ang Pasay Arbor, ikaw talaga Amor Virata kung ano-anong sinasabi mo, este Pasay Harbor pala.
Para sa mga taga-Pasay na hindi nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng “umoorbit,” tanungin niyo si Councilor Ding Santos at sigurado ako na alam niyang ibig sabihin.
Ika nga ng pinsan ni Councilor Allan Panaligan, ang tawag sa mga umoorbit na taga-Pasay City Hall ay Badinger Z.
Totoo ba yung balita nasagap namin Councilor Joey Isidro kundi ka kasapi ng Badinger Z, hindi ka “in” sa inner circle ni Mayor Emi Calixto-Rubiano?
Ano kamo Gil Bugaoisan narinig rin nila Councilor Grace Santos at Councilor Moti Arceo na nag endorse ng mga supplier ang Badinger Z para sa reclamation project ng SM at ng Pasay Harbor sa Manila Bay?
Ang siste OIC Administrator Creselita Rey ang Badinger Z ay binubuo ng ilang mga katao at nahahati sa dalawang grupo na binansagan ng mga bumoto sa utol ni Ate Shawie Cuneta na “Kamaganak Incorporated” at “Gatekeepers.”
Yung “Kamaganak Incorporated” ay pinamumunuan ng isang kamag-anak umano nila Mayor Emi at Congressman Tony Calixto na minamandohan ng copy cat ni Ate Maricel Soriano at tinawag ng ating mga Seksing Saksi bilang “Unshaker.”
At ang “Gatekeepers” naman ay pinamumunuan ni “San Pedro” kasama sina “Boy Vivo” at “ARaguy ARaguy.”
Titiba nga ang Badiger Z sa Pasay, di ba Rambo Labay ng Radio Mindanao Network?