Sabog abot sa banga. Araguy!
Nagpakasal sina Raymart Fran Bocanon, 29, ng Sultan Kudarat at Heldgi Valur Armanson, 50, ng Iceland sa Quezon City. Sila ay parehas ng kasarian, kapwa lalaki di ba Joan Bondoc ng Philippine Daily Inquirer?
Kundi ako nagkakamali, ito ang kauna-unahang same sex marriage sa Pilipinas. Jomar Canlas paki tanong naman kay Executive Secretary Lucas Bersamin at baka meron siyang expert opinion tungkol sa same sex marriage?
Hindi ako abogado at mas lalong hindi ako padre ng simbahan pero ako ay isang Katoliko, di ba classmate Ed Cordevilla?
Sabi ng isang inggleserong attorney out law este attorney at law, (ikaw talaga Bobby Ricohermoso kung anu-ano ang binubulong mo) ay ito:
“In the absence of any law recognizing same sex marriage, a certificate of marriage cannot be issued. This is void from the beginning and can be considered only as ceremonial.”
Ika naman ng isang padre ng simbahang Katoliko sa atin, Ares Gutierrez ng QC PAISO:
“Does the solemnizing officer have the license to marry? Baka illegal ang document or fake document ang mangyayari.
Kung walang authority yung solemnizing officer po… illicit and invalid ng kasal na yan…”
Oh yan EdCor at Bobby Ricohermoso paki sabi naman kay Mel Robles ng PCSO na hindi sang-ayon sina Bro Mike Velarde at Ka Eddie Manalo sa same sex marriage di ba Dean Abe Espejo.
Tama ba Gina Mape ng DWWW 774 at Philip Tubeza ng China Daily na ang balak nila ay isumite ang mga dokumento ng pag iisang dibdib ng bagong ‘kasal’ na sina Raymart Fran Bocanon, 29, at Heldgi Valur Armanson, 50, sa Gobyerno ng Iceland na kung saan rinerecognize ang same sex marriage?
Di ba Malou Talosig ng Business Mirror na kelangan nila ng pagpapatunay na ikinasal sina Raymart Fran Bocanon at Heldgi Valur Armanson sa Pilipinas at ang mga dokumento ng kanilang pag sasabi ng “I do” sa isa’t isa ay isusumite sa Gobyerno ng Iceland upang ma-petisyon ni Heldgi si Raymart?
Naku tama si Noel Bartolome ng Philippine Star na tila suntok sa buwan. At kung mamalasin pwede pang makasuhan sina Raymart at Heldgi… di ba Atty. Harry Roque?
Naku Honorary Consul Maria Priscilla Zanoria ng Pilipinas sa Reykjavik, Iceland paki konsulta si Foreign Affairs Secretary Ike Manalo para hindi kayo mag kamali sa sasabihin.