
MALAMIG na bangkay nang ibinalik sa himpilan ng pulisya ang dalawang pulis matapos pumalag ang mga umano’y miyembro ng malaking sindikato sa likod ng bentahan ng droga sa Sultan Kudarat sa Maguindanao.
Sa press briefing sa punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, kinilala ang mga biktimang sina Corporal Kurt Sipin at Patrolwoman Roselyn Bulias na tumayong poseur buyer sa kinasang operasyon kontra droga sa Barangay Crossing sa bayan ng Simuan.
Sugatan din ang dalawang suspek na sina Sohud Kasim at Ting Katulangan habang nakatakas naman ang ilan sa kasamahan ng mga ito. Pagkatapos ng engkwentro, nasamsam ng mga operatiba ang nasa P6.8 =-milyong halaga ng shabu.
Patuloy naman ang follow-up operation sa hangarin matunton ang iba pang miyembro ng sindikato.