HINDI na nagawa pang isalba ang buhay ng dalawa sa limang sakay ng isang helicopter na bumagsak sa isang bakanteng lote sa Barangay Quisao, sa bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal.
Sa ulat ng lokal na pulisya, dakong alas 7:40 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa residente ng Sitio Barak kung saan bumagsak ang Bell 505 helicopter.
Agad naman dinispatsa ng lokal na pamahalaan ang isang rescue team para saklolohan ang limang indibidwal (kabilang ang dalawang dayuhan) na sakay ng bumagsak na helicopter.
Gayunpaman, dead-on-the spot ang isa sa mga pasahero. Mabilis naman isinugod sa pagamutan ang apat na iba pa. Gayunpaman, dead-on arrival ang isa.
Patuloy naman inoobserbahan sa pagamutan ang tatlong iba pa. (EDWIN MORENO)
