WALA nang buhay nang matagpuan ng mga bumbero ang tatlo katao — kabilang ang isang senior citizen, matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang sa mga nasawi ang 60-anyos na si Mercy Cacam, Maricar dela Cruz at asawang Ken dela Cruz nas pawang mga residente ng Sta. Maria Subdivision sa BArangay Ampid ng nabanggit na lokalidad.
Sugatan din ang isang Kristopher Hermogenes.
Batay sa imbestigasyon ng BFP, dakong 1:30 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma. Bandang alas 3:00 ng umaga nang ganap na maapula ang sunog.
Patuloy naman ang imbestigasyon para alamin ang sanhi at halaga ng pinsalang dulot ng sunog. (EDWIN MORENO)
