WALA ng buhay nang makarating sa pagamutan ang limang indibidwal matapos sumalpok ang sinasakyang van sa kahabaan ng Central Luzon Link Expressway (CLLEx) sa bahagi ng Tarlac City.
Siyam na iba pa ang patuiloy na inoobsebahan sa ospital.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na tinumbok ng van ang isang bakod na yari sa bakal sa bahagi ng CLLEx na sakop ng Barangay Balingcanaway dakong alas 8:00 ng umaga.
Matapos sumalpok, tuluyang sumadsad sa kalsada ang van sa gilid ng kalsada.
Giit naman ng driver, nawalan ng preno ang minamanehong sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa aksidente.
