ANIM umanong miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang nasawi sa engkuwentrong naganap sa pagitan ng mga sundalo ngayong Linggo sa Balayan, Batangas.
Sinabi sa report na nagsasagawa ng magkasanib ng pwersa mula sa 59th Infantry “Protector” Battalion, Philippine Navy at Philippine Airforce ng combat operations sa Barangay Malalay nang makatapat ang hindi mabilang na armadong personalidad na hinihinalang miyembro ng SPP Kawing mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4C.
Ang engkuwentro ay nagresulta sa pagkamatay ng anim na rebelde at pagkabawi ng dalawang M16 rifles, isang M653 rifle, isang shotgun at iba pang subersibong dokumento.
Hinahabol pa rin ng mga sundalo ang nakatakas na mga rebelde.
Isang sundalo naman ang nasawi at tatlong iba pa ang sugatan.
Agad isinugod sa Medical Center Western Batangas sa Balayan ang mga sugatang sundalo.
Sa kalatas, kinumpirma ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto Capulong ang pagkasawi ng sundalo.
Gayunman, hindi umano ito balakin upang hindi maipatupad ang tungkulin. Nananawagan din ito sa mga natitirang rebelde na sumuko at bigyang puwang ang kapayapaan higit ngayong Kapaskuhan para makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.