HINDI pa man ganap na nagbubukas ang mga paaralan kung saan gaganapin ang halalan, sumiklab agad ang karahasan sa katimugan kaugnay ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Batay sa pinakahuling bilang ng Philippine National Police (PNP), pumalo na sa apat na katao ang kumpirmadong patay habang 19 naman ang sinasabing nasugatan sa pagsiklab ng karahasan sa Cotabato City. Sa ulat na natanggap ng Commission on Elections (Comelec), naganap ang unang karahasan dakong alas 5:00 ng umaga sa Datu Usman Mampen Elementary School sa Cotabato City. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia, tatlong katao ang nasawi sa pamamaril sa labas ng Datu Usman Mampen Elementary School sa Cotabato City. Nasa 15 indibidwal ang nahagip ng bala sa naturang insidete. Samantala, ang isa pang nasawi ang biktima ng bitbit na pampasabog. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 2 pang DPWH district engineers sinibak