SA loob lang ng walong buwan, tumataginting na P2 bilyon ang pumasok na kita sa isang sindikato sa likod ng mga nabistong ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Negros Occidental.
Sa isang pulong-balitaan, partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang operasyon ng isang Chinese syndicate na naturang lalawigan.
Idinetalye rin ng Kalihim ang kita ng naturang sindikato.
Aniya gumagawa ang sindikato ng isang pakete ng sigarilyo sa halagang P20 at saka ipapasa sa halagang P150 nang walang binabayaran buwis sa pamahalaan.
Sa kabuuan, pumalo sa P250 milyon ang pumasok na benta sa loob ng walong buwan mula sa pagawaan ng iligal na sigarilyo sa Barangay Calumangan sa Bago City.
Aniya, gumagawa umano ang mga ito ng isang pakete ng sigarilyo sa halagang P20 at ibinebenta ito sa halagang P150 na walang buwis.
Kabilang sa mga rehiyon kung saan dinadala ang mga kontrabando ang Southern Luzon, Central Visayas, Western Visayas, at Metro Manila.
Bukod sa nawalang kita para sa gobyerno, nasilip rin ang umano’y kalidad ng mga sigarilyong nakaimbak sa mga pasilidad na pinamumugaran ng mga daga at ipis.
Araw ng Miyerkules nang salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, (CIDG), National Tobacco Administration, Police Regional Office Negros Island Region, at local police units ang Bago facility at isa pa sa Barangay Singcang-Airport, Bacolod City.
Nasamsam ng mga awtoridad ang mga kagamitan sa paggawa ng sigarilyo, materyales sa tabako, packaging supplies, label, at mga produktong sigarilyo, na nagkakahalaga ng P799.15 milyon.
Arestado rin ang 10 Chinese nationals na sina Fugong Jiang, Wu Jian Qun, Xu Ke, Li Hong, Ye Jun, A Yac, Tan Jing, Wu Shaobin, Eron Chen, at Pan Zongxing.
