MATAPOS ang kabi-kabilang batikos, binasag ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ang pananahimik matapos ihayag ang aniya’y pagtapyas ng ilang bahagi ng burol kung saan itinayo ang Captain’s Peak Resort sa Bayan ng Sagbayan sa lalawigan ng Bohol.
Sa kanyang pagbisita, iginiit ni Loyzaga ang aniya’y mga paglabag ng may-ari ng natuurang resort na nasa loob ng UNESCO World Heritage Site.
Para kay Loyzaga, pasok din sa kategorya ng protected area ang Chocolate Hills batay sa Proclamation No. 1037 Series of 1997 at National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.
“Ang nakita ko po kahapon ay tinapyas ng developer ng project na ito ang ilang mga hills in order to design and execute yung kanyang proyekto,” ani Yulo-Loyzaga sa isang panayam sa radyo.
Nang tanungin kung may pananagutan ang may-ari ng resort – “Very obvious po iyong pagtapyas ng ilang mga hills upang i-execute iyong kanilang design…Hindi po pwede galawin ang mga hills. Yun talaga hindi pupwedeng gawin.”
Gayunpaman, nilinaw ng Kalihim na pwede naman umano “magdevelop” sa loob ng mga protected areas, pero dapat alinsunod aniya sa proseso ng gobyerno.
Loyzaga pointed out that there is a process in developing protected areas.
Naglabas na rin ng closure order ang Department of Environment and Natural Resources kasunod ng walang puknat na patutsada sa kapabayaan ng departamento.
