ISUSULONG ni Davao City mayoralty candidate Atty. Karlo Nograles ang pagpapalakas sa disaster prevention and response capabilities ng lunsod kasunod na rin sa nangyaring malakas na paglindol sa Myanmar at Thailand kung saan libong katao ang nasawi at maraming ari-arian ang nawasak.
Sa isang pahayag, binigyang diin ng dating three-term congressman at naging chairman din ng Civil Service Commission (CSC), na malaki ang pangangailangan mapagbuti ang disaster response lalo’t madalas tinatamaan ng mga kalamidad ang Pilipinas.
“These events are reminders that we must be proactive, not reactive,” wika ng long-time public servant.
“When calamities strike, every second matters. Preparedness is not a luxury—it’s a necessity,” dugtong ni Nograles.
Partikular na isusulong ni Nograles ang real-time SMS alert system na magbibigay babala sa mga residente hinggil sa paparating na mga bagyo, pagkakaroon ng lindol, baha at iba pang emergencies.
“The system would allow residents to receive timely alerts via text message, giving them enough time to take necessary precautions and potentially save lives,” paliwanag ng Davao City mayoralty bet.
“Our approach is simple: let’s use technology to protect lives. With text alerts, we empower Dabawenyos to act fast and to stay safe,” aniya pa.
Angkop din aniyang magkaroon ng community dialogue para sa palitan ng mahahalagang impormasyon, pagpapahayag ng saloobin at pakikinig sa mungkahi at suhestyon ng mga Dabawenyo.
“We should not just send information—we must also listen. That’s why we’ll hold regular town halls and open lines of communication with every barangay so we also get the people’s input on how to respond to potential calamities. Disaster preparedness is a two-way street. Your voice matters,” giit ng former CSC head.
Sa kanyang pangangampanya, palagi niyang isinusulong ang layunin niyang maging accessible, transparent at magkaroon ng agarang aksyon ang City Hall — ang prinsipyong hindi lamang umano para sa pang araw-araw na gawain pamamahala higit lalo sa panahon ng krisis.
“Dabawenyos deserve a City Hall that they can see, hear, and feel. When disasters strike, you need a leader who will be there for you—not someone who’s missing when you need them the most,” pahayag ni Nograles.
Samantala, matapos ang nangyari ng malakas na paglindol sa Myanmar at Thailand, nanawagan si Nograles sa lahat ng Dabawenyos na maging handa — at para naman sa lungsod, tiyakin na walang maiiwan sa hangaring maging ligtas ang lahat kapag naganap ang pagyanig ng lupa.
