
MALAKING kawalan para sa mga mamamayan ng Leyte ang pagpanaw ni dating Leyte Gov. Edgar Mercado Enerlan, ayon kay House Speaker Martin Romualdez na tumatayong kinatawan sa Kamara ng naturang lalawigan.
Sa isang pahayag, inilarawan ni Romualdez si Enerlan na isang huwarang lingkod-bayan na nag-alay ng buhay sa pagseserbisyo at dedikasyon sa mga kapwa Waray.
“Ang pagkawala ni Gov. Enerlan ay isang napakalaking dagok hindi lamang sa kanyang pamilya at mahal sa buhay kundi sa buong lalawigan ng Leyte. Isa siyang tunay na lingkod-bayan: mapagkumbaba, matapat at may pusong nakatuon sa kapakanan ng bawat Waray,” wika ni Romualdez.
“Sa mga panahong puno ng hamon at pag-asa, palagi siyang nariyan. Nagmamasid, gumagabay at hindi kailanman bumitiw sa kanyang paninindigan,” dugtong niya.
Pag-amin ni Romualdez, ang pumanaw na gobernador ay ang “pillar of strength and wisdom who helped lay the foundation for what Tingog Partylist stands for today.”
“As one of its founding fathers, he played an instrumental role in shaping a movement rooted in compassion, unity and a firm resolve to uplift the voiceless. His vision was always clear: that the people of Eastern Visayas deserve a voice that echoes in the halls of national policy making,” sambit pa niya.
Umaasa ang lider ng Kamara na ang mga prinsipyo sa pamumuno ni Enerlan ay mananatiling gabay ng mga susunod sa kanyang yapak upang maabot ang pag-unlad sa isang inklusibong Pilipinas.
“His name will always be spoken with reverence in the story of Leyte’s progress and Tingog’s continuing advocacy,” aniya pa.
Ipinahatid din ng lider ng Kamara ang kanyang “deepest condolences” at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamilya ni Enerlan.
“May they find comfort in the knowledge that his life was one of purpose, and that he leaves behind a legacy that will endure for generations,” dagdag ni Speaker Romualdez.
“As Speaker of the House and a son of Leyte, I stand with his loved ones and the many communities he touched. We grieve together, we remember together, and we commit to keeping his legacy alive through our continued service,” saad din niya
“Rest well, Mano Edgar. You have run your race with honor. We will carry on the torch you have passed,” pagtatapos ni Romualdez. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)