KALABOSO ang sa mga rumespondeng operatiba ang isang lasing na Korean national matapos na sagasaan ang dalawang security guard at salpukin ang isang gasolinahan hanggang sa magliyab sa Clark Freeport kamakailan.
Sa ulat ng Mabalacat City Police, kinilala ang banyagang suspek sa pangalang Sunbin Yim alyas Ben na di umano’y
Batay sa imbestigasyon ng lokal na himpilan ng pulisya, tinakbuhan di umano ni Yim ang mga gwardyang sina Jay Rommel Rivera and Vinson Corpuz na rumesponde para arestuhin ang lasing na banyagang naispatan namamasyal ng walang saplot sa loob ng Clark Freeport
Sakay ng isang kotse, napinsala rin ni Yim ang iba pang sasakyan habang tumatakas hanggang sa abutan sa isang bahagi ng freeport zone kung saan tinumbok ang mga gwadyang lulan ng motorsiklo. Pagkatapos mahagip ang dalawang gwardya, muling kumaripas hanggang sa sumalpok sa kalapit na gasoline station na nagliyab bunsod ng insidente.
Mabilis na naapula ang sunog na umabot lang sa unang alarma.
Agad naman sinagip sa nagliliyab na sasakyan ang Korean national na isinugod sa pagamutan. Nahaharap ang dayuhan sa patong-patong na kaso kabilang ang attempted homicide, malicious mischief at grave scandal, damage to properties, assault, at resisting arrest.
