HINDI na nagawa pang isalba ng mga kapitbahay ang buhay ng isang 71-anyos na lolo at mga kasamang apo mula sa naglalagablab na tahanan sa bayan ng Teresa sa lalawigan ng Rizal.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, kinilala ang mga biktimang si Narciso Santos at mga apo — 10-anyos na si Skyler Bolante at pitong taong gulang na si Amber Santos.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng lokal na pulisya, dakong alas-12:00 ng tanghali nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng mga biktima sa Carissa Homes East 2, Barangay San Gabriel, bayan ng Teresa.
Ayon kay Major Edzel Macasero na tumatayong hepe ng Teresa Police Station, wala ng buhay ng matagpuan ng rumespondeng fire marshals ang mga biktimang posible di umanong natutuloy nang maganap ang insidente.
Hinala ng mga arson investigators, binawian ng buhay ang mga biktima bunsod ng “suffocation.”
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para tukuyin ang sanhi ng insidente.
