KASONG plunder ang kinakaharap ng isang anak ni dating House Speaker Jose De Venecia matapos ireklamo sa Office of the Ombudsman hinggil sa maanomalyang flood control projects sa lalawigan ng Pangasinan.
Pakay ng reklamong inihain ng Samahan ng mga Operator, Tsuper ng Traysikel ng Pangasinan (sa pamumuno ni Jaime Gutierrez Aquino) si dating Pangasinan 4th District Congressman Christopher de Venecia.
Kabilang sa mga kasong isinusulong laban kay de Venecia ang grave misconduct, plunder, at malversation of public funds bunsod ng umano’y sabwatan sa pagitan ng dating mambabatas at iba pang opisyal ng DPWH sa P286-milyong halaga ng ghost projects sa Sitio Dalumat, Pangasinan.
Bukod kay de Venecia, sinampahan din ng kahalintulad na asunto si Mayor Lesildo Dong Calugay.
Pasok din sa hiwalay na kasong administratibo, gross neglect of duty, grave misconduct, dishonesty, inefficiency and incompetence in the performance of official duties sina de Venecia at Calugay.
Kabilang naman sa DPWH engineers and officials na kinasuhan ng paglabag sa dishonesty at misconduct sina Ronnel Tan, Eng. Editha Manuel, Engineer Victoria Visperas, Analyn Gabis, Mr. Nelson Sotto, Gerry Jucar, Dexter Lomboy, Jose Jesus Ramos at Alvin Diego.
Ang plunder ay may parusang habambuhay na pagkabilanggo sakaling mapatunayan ang pagkakasala at walang rekomendadong piyansa.
Kasama rin sa mga sinampahan ng kaso si Merly Calugay na ang asawa ng alkalde. (JULIET PACOT)
