NANAWAGAN sa Department of Justice (DOJ) ang kampo ng pinaslang na si Barangay Captain Oscar Bucol ng Digos, Davao City na atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation sa naturang krimen.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon na tumatayong abogado ng pamilya Bucol, hindi dapat maimpluwensyahan ng Philippine National Police (PNP) ang proseso ng imbestigasyon matapos lumutang ang pangalan ng dating hepe ng Digos City Police na umano’y dawit sa kaso.
Partikular na tinukoy ni Torreon ang umano’y pagbabanta sa buhay ang pamilya Bucol na dahilan para dumulog ng saklolo sa DOJ at maging kay NBI Acting Director Lito Magno.
Natatakot umano silang PNP ang humawak sa kaso dahil sa impluwensya ni Lt. Gregg Ipong sa pulisya.
Una nang naglaan ng tumataginting na P6 milyong pabuya para sa impormasyon sa ikadarakip ng salarin at utak sa krimen.
Binaril mismo sa loob ng kanyang garahe si kapitan Bucol — na higit na kilala bilang tagasuporta ng pamilya Duterte — habang nagla-livestream kamakailan. (JULIET PACOT)
