Daybreak police raid – Members Dagupan City police raided the house of a suspected drug personality Wilberto Castro and his live-in partner at Dagupan City, north of Manila on Tuesday. Police search found in his possession are two (2) semi-automatic pistol, a hand grenade, a rocket grenade, sachets of suspected shabu and numerous drug paraphernalia. Police also believe the suspect is a member of a gun-for-hire and may be involved in the shooting of a police officer last year and numerous shooting incident in the province. Dagupan City/Pangasinan//January23,2018//Karl Romano
Ni EDWIN MORENO
SA halip na pera, malamig na rehas ng masikip at mabahong selda ang hinihimas ngayon ng tatlong nagpakilalang kasador ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Major Gen. Leo Francisco.
Sa isang pulong balitaan sa punong himpilan ng Philippine National Police (PNP), iniharap sina Jeffrey Sison, Neil Toledo at Ralph Stephen Abrenica na nag-iikot sa iba’t ibang panig ng Mindanao para lumikom ng pera alinsunod di umano sa diretiba ng mga mataas na opisyales ng pambansang pulisya.
Ayon kay Gen. Francisco, nakatanggap ng impormasyon ang PNP sa operasyon ng tatlong suspek na di umano’y pwersahang nangingikil sa mga illegal gambling operator gamit ang pangalan niya at ni PNP chief Rommel Marbil.
Dito na aniya ikinasa ang isang entrapment operation sa General Santos City kung saan inaresto sina Sison, Toledo at Abrenica.
Batay sa imbestigasyon, tumataginting na P2.5 milyon bilang proteksyon ang hirit ng tatlong suspek sa kada gambling lord na kausap.
Gayunpaman, hindi malinaw kung bahagi ng entrapment operation ang illegal gambling operator na huling katransaksyon ng grupo.
