MATAPOS pagtibayin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng special election para punan ang pwesto ng yumaong Congressman Romeo Acop, apat na bigating personalidad ang posibleng magsagupaan para tumayong kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod sa Kamara.
Kabilang sa mga inaasahang maghain ng kandidatura sina Dr. Philip Acop na anak ng yumaong kongresista, dating Mayor Angelito Gatlabayan, Provincial Board Member Nilo Leyble at Konsehal Lorenzo Sumulong.
Una nang itinakda ng Comelec ang halalan sa Marso 14, 2026.
Batay sa inilabas na calendar of activities ng Comelec, tatanggap ng Certificate of Candidacy mula Pebrero 5 hanggang 6, habang ang campaign period naman ay mula Pebrero 12 hanggang Marso 12. (EDWIN MORENO)
