DALAWA katao ang kumpirmadong nasawi matapos ang pagguho ng lupa sa bayan ng Matnog sa lalawigan ng Sorsogon.
Sa impormasyong ibinahagi ng lokal na pulisya, pasado hatinggabi ng Sabado nang maganap ang insidente sa Barangay Bariis sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ada.
Patuloy ang isinasagawang imbentaryo ng mga bahay na natabunan ng lupa mula sa gumuhong bahagi ng kabundukan.
Kabilang sa mga nasawi ang isang 22-anyos na lalaki at 19-anyos na babae, kapwa residente ng Barangay Bariis. (EDWIN MORENO)
