“DABAWENYO workers are the backbone of the city’s progress—and they deserve jobs that do more than just get them through the day.”
Ito ang buod ng mensahe ni Davao City mayoral candidate Karlo Nograles sa nakaraang Labor Day kung saan tiniyak din ng dating kongresista ang pagsusulong ng mga programa para sa proteksyon, upskilling, at pagkakaroon ng higher-paying employment ng mga manggagawa ng lungsod sa ilalim ng Nograles-led City Hall.
“Ang trabaho dapat dili lang pang-adlaw-adlaw. Dili lang pangbayad sa utang. Dapat trabaho nga makahatag og kalipay, seguridad, ug kahimtang nga disente para sa pamilya,” wika ni Nograles, na isa ring abogado.
“We will build a city where our workers don’t just survive—they thrive,” dugtong niya.
Ayon kay Nograles, hindi lamang dapat nakatuon ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng trabaho bagkus ay dapat din tiyakin nito na ang bawat Dabawenyo ay mayroong access sa patas o maayos na sweldo, may dignidad na paghahanap-buhay at pag-asang magkaroon ng maayos na buhay.
Bilang pambungad, ibinahagi ni Nograles ang napipintong pagsusulong ng city-led Upskilling and Advancement Program, o pagkakaloob ng libreng pagsasanay para makapagtrabaho ang mga residente ng lungsod sa high-demand industries at ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa TESDA, local universities, at private sector partners.
Paliwanag ng three-termer Davao City lawmaker, bibigyan prayoridad sa naturang programa ang mga underemployed at low-income workers upang sila ay maging kuwalipikado sa mas matatag at may mas mabuting kita na trabaho.
“Having a job is not enough, especially in Davao, given our economic potential. Dabawenyos must have work that supports a family, allows them to save, and lets them live with dignity. Kailangan naa silay disposable income—para sa ilang anak, ilang kaugmaon, ug para malipay pud sila sa ilang kinabuhi,” diin ni Nograles.
Target din ng dating chairman ng Civil Service Commission (CSC) ang pagtataguyod ng Workers’ Help Desk sa city hall upang siyang agad na tumugon sa anumang labor concerns, makipag-coordinate sa DOLE at iba pang national agencies, at pagtitiyak na nasusunod ang labor rights sa lungsod.
“Kauban nato ang trabahanteng Dabawenyo sa matag lakang sa kalambuan. That’s why we will invest in them. Protect them. Empower them,” sabi pa ng former CSC chairman.
“Real progress means every household feels the gains. Dili lang ang dato ang molambo. Ang tanan dapat makatilaw sa kauswagan. That’s the Davao we must build,” pagtatapos ni Nograles.
