HINDI na umabot sa kulungan ang isang 44-anyos na suspek sa pagpatay at panghahalay sa 10-anyos na Grade 4 student matapos barilin sa loob ng presinto ng sa bayan ng Tupi sa South Cotabato.
Katwiran ng mga pulis, tinangka di umano mang-agaw ng baril ang hindi pinangalanang suspek habang kinukunan ng fingerprints.
Base sa salaysay ng mga saksi, ang suspek di umano ang nakitang huling kasama ng biktimang noo’y papasok sa paaralan bago nawala.
Ayon kay Lieutenant Richard Ho na tumatayong deputy chief ng Tupi Police Station, wala na ang biktima sa eskwela nang sunduin ng ama.
“Nagtaka siya na ang sabi ng guwardiya, umuwi na raw ang bata so umuwi siya. Dumating ang alas-singko ng hapon hanggang magdilim na wala pa rin ang bata na nakarating sa kanilang bahay,” wika ni Ho.
Dito na nagpasya ang lokal na pulisya hanapin ang biktimang agad namang natagpuang nakahubad at walang buhay sa pinyahan hindi kalayuan sa paaralan.
Sa pag-iimbestiga, lumutang ang mga saksing nagnguso sa taong huling kasama ng biktima. Agad na natunton at nadakip ang suspek na kapitbahay pala ang pamilya ng nasawing Grade 4 student.
Habang kinukuhanan ng fingerprints ang suspek sa presinto, nang-agaw di umano ang salarin kaya binaril.
