PATAY sa engkwentro sa pagitan ng militar at terorista ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng Dawla Islamiya, habang dalawang iba pa ang inaressto sa paghupa ng bakbakan sa BArangay Libunan, Mamasapano sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat ng Amy’s 6th Infantry Division, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang 6th Infantry Battalion, 33rd Battalion at 601st Infantry Brigade nang maispatan ang mga armadong terorista.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tahir Salim Suweb ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte at Benladin Adi Kamid ng Macasampen, Guindulungan, Maguindanao del Sur.
Sugatan sa engkwentro sina Junjun Leosen at Rasul Kariman na kapwa nilulunasan sa pagamutan sanhi ng tama ng bala.
Nakumpiska sa lugar ng engkwentro ang iba’t ibang armas, mga pampasabog, cellphone, largavista at iba pang personal na mga kagamitan.(EDWIN MORENO)
