SELOS ang palusot ng adik na mister sa ginawang pamamaslang sa pamamagitan ng pagtagpas sa ulo ng asawa sa Zamboanga City.
Sa ulat ng lokal na pulisya, halos maputol na umaqno ang ulo ng 20-anyos na biktimang kinilala sa pangalang Roselyn dela Cruz matapos pagtatagain ng kinakasama.
Agad naman nadakip ng mga rumespondeng operatiba ang suspek na sinasabing lulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Batay sa imbestigasyon, nagalit umano ang suspek matapos tumanggi ang kanyang asawa na sumama sa kanya pauwi habang naglalaba sa bahay ng biyenan.
