ARESTADO sa mga operatiba ng Philippine National Police – Criminal In­­vestigation and Detec­tion Group (PNP-CIDG) ang isang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa kalatas ng CIDG, kinilala ni CIDG director­ Major General Leo Francisco ang suspek sa pangalang Alberto Olavario alyas Ka Andy, Bha at Thang Jun, ng Barangay Lomacao, Guinobatan, Albay.

Base aniya sa rekord, isang wanted at notorious na miyembro­ ng Special Partisan Unit (SPARU) ng New People’s­ Army (NPA) si Olavario na dinakip ng pulisya sa bisa ng mandamiento de arresto na inilabas ng Ligao City Regional Trial Court Branch 14 para sa kasong frustrated murder.

Miyembro din aniya si Olavario NPA liqui­dation squad na responsable sa serye ng sniping incident at pana­nambang sa mga pulis at sundalo sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur.

Sa bisa ng warrant­ of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 14, sa Ligao City, inaresto ng CIDG Albay­ Provincial Field Unit (PFU) ang suspek sa kasong 4- counts ng frustrated murder.

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *