
INULAN ng batikos sa social media ang bagong paandar ni former President Rodrigo Duterte na hindi lang minsan tinawag na estupido ang ‘Diyos’ may likha.
Sa isang pambihirang pagkakataon, kinakitaan ng bahagyang pagsisisi ang dating pangulo sa ginawang kalapastanganan sa Diyos na paulit-ulit niyang ginawang ‘pulutan’ sa mga talumpati sa panahon ng panunungkulan sa Palasyo.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, ipinapasa-Diyos na lamang ng kanyang ama ang anumang naghihintay na kapalaran matapos dakpin at ikulong sa Netherlands kaugnay ng kasong crimes against humanity na inihain ng pamilya ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Ibinahagi rin ni VP Sara ang mga pagkilos ng mga Pilipino sa iba’t ibang bansa bilang pagtutol sa pagdakip sa dating pangulo.
Nagbabala rin aniya ang matamdang Duterte na mas lalala ang sitwasyon ng Pilipinas.