NAKATAKDANG isalang sa “hot seat” ng Department of Transportation (DOTr) ang isang opisyal na naturang ahensya bunsod ng patong-patong na paglabag sa batas trapiko.
Sa isang direktiba, partikular na tinukoy sa Notice to Explain ng DOTr ang umano’y paggamit ng blinker at protocol plate 10 ni Undersecretary for Internal Audit and Special Concerns Ricky Alfonso.
Ayon kay Acting Secretary Giovanni Lopez, binigyan lang ng tatlong araw si Alfonso para magsumite ng paliwanag.
Sa video na kumalat sa social media, bumida si Alfonso habang nakikipagtalo ang kanyang drayber na nakasagutan ng isa pang motoristang naka gitgitan sa kahabaan ng Katipunan Avenue, Quezon City.
Paglilinaw ng kagawaran, bagamat pinahihintulutan ang mga Undersecretary gumamit ng protocol plate number 10, nabisto naman ng Land Transportation Office (LTO) hindi para sa Lexus ang numero 10 na plaka.
“Thus, the use of protocol plates and the unauthorized use of blinkers do not automatically confer any sort of VIP status to any public official,” saad ng DOTr.
