
DAHIL sa ipinamalas na katapangan at kabayanihan ng tatlong uniformed personnel, isang resolusyon ang inihain ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa para kilalanin at parangalan ang mga tinawag niyang bayani ng makabagong panahon.
Sa Senate Resolution 1270 na inihain sa plenaryo, partikular na tinukoy ni dela Rosa ang aniya’y giting nina PSMS Ryan Mariano mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP), at CO1 Melvin Magnaye ng Bureau of Corrections (BuCor).
Bukod kay Mariano at Magnaye, hirit din sa resolusyon ni dela Rosa ang pagkilala sa husay sa pamumuno ni Zamboanga City Police Director Kimberly Molitas.
Ayon sa senador na nagsilbing hepe ng pambansang pulisya sa panahon ng nakalipas na administrasyon, angkop lang parangalan sina Mariano at Magnaye sa pagdakip sa riding-in-tandem na tinaguriang most wanted ng pulisya dahil sa pagkakasangkot sa drug trafficking at ilang kaso ng pamamaril.
“Without the bravery of PSMS Mariano and boldness of Correction Officer Magnaye, these two criminals would have continued to pose a significant threat to public safety and security,” ani dela Rosa.
“We mourn our law enforcers, our heroes that we have lost. Their heroism and love for country and peace will never be forgotten. We honor them. For those who were fortunate to have survived the perils of fighting crimes, we should do the same—we honor them,” dagdag pa ng senador sa sponsorship speech.
Disyembre 31 ng nakaraang taon ng barilin ng dalawang most wanted criminals ng Zamboanga Peninsula si Mariano habang ang huli ay naka-duty sa Mount Carmel Parish.
Suwerte napadaan sa lugar si Magnaye at sinaklolohan si Mariano kung saan ang huli ay mayroon nang tama ng bala sa dibdib at hita.
“Mahirap po ang buhay ng isang pulis. Nagkalat po ang banta mula sa mga kriminal at mga nagnanais na mantsahan ang malinis na reputasyon. Hindi po nagsisilbing pananggalang ang uniporme na kanilang isinuot sa araw-araw. May bigat po itong taglay, at iyon ay ang responsibilidad na maging mabuti at marangal sa lahat ng pagkakataon,” diin ng former PNP chief.
Para kay dela Rosa, marapat lamang na bigyan ng pagkilala ang tapang at determinasyon protektahan ang publiko sa kabila pa ng aniya’y dehadong sitwasyon.
“It showed their extraordinary ability to swiftly perform their sworn duty of ensuring public safety, and their ability to go well beyond it. It is one thing to perform one’s duty, to execute the tasks demanded of us by the very jobs we have sworn to fulfil. However, it is another thing altogether to rise above the bare minimum and to do even more than what is required in one’s occupation,” anang senador.
Hindi rin umano dapat kalimutan ang kalidad ng pamumuno ni Zamboanga City Police Director Molitas na dahil sa maagap na pagpapakalat ng pulis sa misang kalakip ng gabi ng pagsalubong ng bagong taon.
“There is no greater amount of nobility than to give one’s life to protect another. However, we would always want and pray that in the process of keeping others from harm, our law enforcers live and tell the tale,” pahabol ni dela Rosa.