“TIME for real change!” Ito ang nagkakaisang mensahe ng mga barangay officials ng Davao City kasabay nang paghahayag ng kanilang solidong pagsuporta sa kandidatura ni Atty. Karlo Nograles bilang alkalde ng naturang lungsod.
Pagbibigay-diin pa ng mga opisyal na ito, ang mga Dabawenyo ang silang higit na magbebenepisyo sa bago at mas mahusay na uri ng pamumuno ni Nograles, na dati ring naging three-termer congressman ng Davao City first district.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga barangay official na ito na mayroon ding lumalawak na panawagan para sa pagkakaroon ng isang mayor na mailalapit ang city hall sa mga mamamayan nito at mayroong kongrestong solusyon sa isyu ng pagkakaroon ng trabaho, sapat na makakain at maaasahang serbisyo publiko.
“People in the barangays are ready for something new,” ang sabi pa ni Brgy. Capt. Loreto Nicolas ng Brgy. 19B, ang siyang pinakamalaking barangay sa tinatawag na Poblacion area.
“They want a mayor who will not only listen but act—and act fast,” dugtong niya.
“Our communities are ready. We just need to finish strong. For us, this is more than a campaign—it’s a real chance to bring positive change for Davao City.” Sambit din ni Nicolas
Ayon naman kay Allan Linao, na isa ring barangay official mula sa first district, ang pagkakaroon ng “clear and better option” sa mayoralty race ng lungsod ay nagbigay sigla at higit na pag-asa sa Davao City voter.
“What we are seeing is a demand for leadership that’s grounded, experienced, and accessible. That’s why we are going all-out in these final weeks,” ani Linao, na kagawad Brgy. Bucana, ang pinakamalaking barangay ng kanilang distrito.
Sa panig ni Brgy. Toril Proper Chairwoman Lilibeth Al-ag, sinabi niyang kailangan ng mga Dabawenyo ng isang lider na nalalaman at inaaskyunan ang mga pang-araw araw na problema.
“From food prices to flooding to job opportunities—these are pressing issues. We need a mayor who will show up, not just during calamities, but every day,” giit ni Al-ag.
Kaya naman nangako ang mga naturang opisyal at iba pa na magiging mas aktibo ang kanilang pangangampanya, gayundin ang precinct monitoring, at pagtatalaga ng volunteers para kay Nograles.
