HINDI angkop na gamitin ang pondo at kagamitan ng gobyerno sa para umakit ng suporta sa nalalapit na halalan, ayon kay Commission on Elections Chairman George Garcia, kasabay ng pag lalabas ng show-cause order laban kay Taytay Mayor Alan de Leon kaugnay ng umano’y vote-buying.
Bukod kay de Leon, pasok din sa talaan nasa 17 iba pang kandidato na umano’y lubhang inabuso ang kapangyarihan para sa sariling interes.
Sa lalawigan ng Rizal, tanging si de Leon lang ang inisyuhan ng show-cause order ng Comelec.
Una nang umani ng kabi-kabilang batikos ang reelectionist mayor na umano’y gumagamit ng mga sasakyan at empleyado ng lokal na pamahalaan para sa pagkakabit ng mga campaign materials sa nasasakupang bayan.
Sa isang Facebook post, hulicam din sa de Leon habang namumudmod ng pera sa mga tao sa labas ng simbahan.
Wala pang pahayag si de Leon kaugnay ng alegasyon.
