PARA kay Senador Alan Peter Cayetano, higit na kailangan ang kolektibong pagkilos para itaguyod ang turismo, kasabay ng panawagan na suportahan ang prmotional slogan ng Department of Tourism (DOT) — kahit pa pumalpak bunsod ng kinopyang stock video.
Ayon kay Cayetano, ngayon higit kailanpaman kailangan magkapit-kamay ang mga Pilipino patungo sa asam-asam na paglago ng kabuhayan at mga negosyong kalakip ng pagdayo ng mga banyaga sa bansa.
Pinutol ng Department of Tourism (DOT) nitong Lunes ang kontrata nito sa isang advertising agency na napatunayang gumamit ng stock footage na kuha mula sa mga ibang bansa sa pagsusulong ng turismo sa Pilipinas.
“Issues have been brought out and discussed, mistakes have been acknowledged both by the DOT and the advertising agency. Isn’t the purpose of criticism to correct? So mission accomplished!” sulat ni Cayetano sa isang post sa kanyang official Facebook page.
Pinuri ng senador ang masiglang demokrasya ng bansa na aniyay nagbigay-daan sa pagkakalantad ng isyu at naging dahilan upang tanggapin ng DOT at ng ad agency ang kanilang mga pagkakamali.
Gayunpaman, sinabi niya na kailangang magkaroon ng balanseng pananaw sa isyung ito kung saan maaaring may partisan at pampulitikang interes.
“Once a wrong is exposed (or explained) and mistakes are acknowledged and remedied, do we keep pounding on it, shooting ourselves in the foot in foreign media… or do we come together and, with the corrections, promote the beauty of our country and people?!” wika ni Cayetano..
Sinabi rin niya na sa pagtataguyod ng turismo sa Pilipinas, bahagi dapat ng atraksyon ang pangunahing asset ng bansa: ang mga Pilipino.
“GOD created such a beautiful country, such talented people! Yes, beautiful mountains, hills, valleys, islands, beaches, modern cities etc., yet our number one asset is our people!” wika niya.
“The problem is not many people around the world know much about the Philippines! Yet many love the Filipinos! With more than 10 million Filipinos abroad, the first insight about the Philippines comes from the Filipino!” dagdag ng senador.
Nagbabala rin si Cayetano laban sa paglaganap ng fake news tulad ng kumakalat na maling balita sa social media platforms noong matagumpay na hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games noong 2019, na pinamunuan niya bilang Chairman ng Philippine SEA Games Organizational Committee.
“Remember the allegation that kikiam (pork) was served to Muslims during the SEAGames? It turned out to be fake news! It was chicken sausage! We found out there was a big PR firm launching the attack. It all turned out to be fake news, a political agenda packaged as constructive criticism,” paliwanag ng senador.
Aniya, napahamak ang Pilipinas dahil sa pekeng balita na ito na nagdulot pa ng takot sa maraming sponsor dahil sa mga negatibong balita sa mga bansa sa Southeast Asia.
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagpahayag ng kumpiyansa si Cayetano sa paghawak ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isyu ng kampanya sa turismo.
“I know the DOT Secretary, she listens! She cares about people’s views and ideas! Let’s try communicating, not for her but for the country which we all claim to love,” sabi niya.
“Let’s go to the next phase! Support DOT, promote the Philippines!” dagdag niya.
