
ALINSUNOD sa direktiba ng hukuman, tuluyan nang inilipat si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail na kanyang magiging bagong “bahay-bakasyunan.”
Dakong alas 5:00 ng hapon nang dumating Pasig City Jail – Male Dormitory ang convoy na nagdala kay Quiboloy mula sa detention facility ng pambansang pulisya sa Camp Crame kung saan nakulong ang kontrobersyal na religious leader sa loob ng halos tatlong buwan.
Sa isang panayam sa telebisyon, inilarawan ni Atty. Israelito Torreon si Quiboloy na handa at palaban sa kanyang bagong kulungan.
“He’s resilient and fighting… medyo congested pala talaga dito,” ani Torreon.
“There will be security protocols that will be adapted. As to what these protocols are, I do not know exactly but he knows of our concerns already. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin nila, sa BJMP na lang yun,” dugtong ng abogado.

Gayunpaman, mas mainam aniya kung mananatili na lang sa PNP Custodial Center si Quiboloy “for security reasons.”
“The political atmosphere is not favorable to us. We have also been discussing this. Pinag-uusapan na namin ni Pastor ito. As a lawyer, I provide legal reasons as to why he should not be brought here,” aniya pa.
Quiboloy has been mentally prepared for the transfer, according to the lawyer.
“Alam niya na nag-file ako ng motion for reconsideration pero prepared naman siya mentally and psychologically na hindi ito ma-grant. Andito na tayo ngayon,” he said.
“I do not know how he made his own preparations. On my part, I already explained to him the possible scenarios that could happen… Siguro, it’s the will of the Father, and since it’s the will of the Father, he will follow it.”
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ibubukod ng selda si Quiboloy sa loob ng dalawang linggo bilang polisiya kontra nakakahawang karamdaman — kung meron man.
Batay sa datos ng BJMP, isa ang Pasig City Jail sa pinakamasikip na piitan sa Metro Manila. Nasa 1,453 male bilanggo ang nasa loob ng Pasig City Jail – Male Dormitory.
Nahaharap si Quiboloy sa patong-patong na kaso kabilang na ang child and sexual abuse at non-bailable qualified human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court.