PALAISIPAN sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaroon ng mga sensitibong datos ng misis ng banyagang detainee na nakapiit sa custodial facility Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Sa isang kalatas, tiniyak ng NBI na maglulunsad ng mas malalimang imbestigasyon matapos madakip sa isang entrapment operation ang isang nagngangalang Graeanne Biko na kalaunan ay nabistong asawa pala ng banyagang nakakulong sa BI facility.
Dinakip ng NBI ang si Graeanne Biko sa isang sikat na mall bunsod ng reklamo ng isa pang Immigration detainee na kinuhanan ng pera kapalit ng pangakong paglaya ng asawa ng biktima.
Batay sa salaysay ng complainant, nakumbinsi siya ni Biko maglabas muna ng P1.5 milyon matapos magpakita ng pruweba – ang isang pulutong ng cyber security experts na nasa likod ng hacking incidents sa mga official websites ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang BI.
Pagyayabang ni Biko, kaya nilang pasukin ang BI website kung saan di umano nakalagak ang mga ebidensya laban sa asawa ng biktima.
Ang unang hirit na P1.5 milyon, itinaas di umano ng suspek sa P12 milyon bilang karagdagang singil para sa proteksyon ng asawa ng complainant habang nasa loob ng BI detention facility.
“The complainant said Biko threatened to fabricate evidence against him that will prolong his detention if he will not pay the P12 million,” ayon sa isang NBI operative na bahagi ng entrapment operation.
“The extortion leader described as a cybersecurity expert claimed his group had hacked several government offices including the Executive.”
