INILABAS na ng Civil Service Commission (CSC) ang resulta ng Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa sa buong bansa noong nakaraang Marso 3, 2024.
Nasa 57,683 indibidwal o katumbas ng 17.20 percent ang pumasa sa nasabing exam. Mula sa kabuuang 297,952 candidates na kumuha ng CSE Professional Level, nasa 51,311 ang pumasa – katumbas ng 17.22 percent passing rate.
Dagdag pa nito, sa 37,433 indibidwal na kumuha ng exam para sa Sub-Professional Level, nasa 6,372 ang pumasa o katumbas ng passing rate na 17.02 percent.
“Congratulations to all the passers of the CSE-PPT. Your accomplishment not only reflects your personal capabilities but also underscores your preparedness to contribute significantly to the betterment of the civil service. Nawa ay manatili ang inyong determinasyon at sipag sa pagpasok sa serbisyo publiko,” ang pagbati ni CSC Chairperson Karlo Nograles.
Pinakamataas ang passing rate na naitala sa Region IV kung saan 9,473 sa 40,549 examinees (katumbas ng 23.36 percent) ang nakalusot. Sumunod naman ang National Capital Region (NCR) at Region III, na may ranking na 23.30 at 23.12 passing rates, ayon sa pagkakasunod.
Nasa 12,690 ang nakapasa mula sa NCR, at 4,541 mula sa Region III.
Sa kalatas ni CSC, hinikayat ni Nograles ang mga examinees na hanapin ang kani-kanilang pangalan sa List of Passers na nakapaskil sa official website (www.csc.gov.ph) ng naturang ahensya.
Pwede rin aniyang direktang i-type ang URL link – https://exam.csc.gov.ph.
Para sa kapwa successful at unsuccessful examinees, maaari silang mag-generate ng kanilang individual test results sa pamamagitan ng CSC Online Civil Service Examination Result Generation System (OCSERGS) pagsapit ng May 19, 2024 dahil walang rating report na ipadadala sa individual examinees.
Samantala, ang CSC Examination, Recruitment, and Placement Office na inirerekomenda sa successful candidates na personal na kunin ang libreng Certification of Eligibility (CoE) mula sa nakakasakop na CSC Regional Office (RO) o Field Office (FO) simula sa June 13 June 2024.
Paalala ni Nograles, alamin muna ang availability ng certifications bago magtungo sa mga nabanggit na tanggapan ng CSC.
Ang mga pumasa naman na lumipat sa ibang rehiyon o naninirahan sa malayong lugar subalit sa kapareho ring rehiyon ay maaaring makuha ang kanilang Certification of Eligibility (CoE) mula sa pinakamalapit na CSC RO o FO na nagsisilbing conduit ng kanilang kasalukuyang residence o workplace.
Ipinababatid din ng CSC na ang comprehensive information hinggil sa individual examination results at CoE para sa successful candidates ay maaaring makita sa pamamagitan ng Examination Advisory No. 6, s. 2024, na makikita sa official CSC website.
PRO, SUBPRO ELIGIBILITIES
Para sa mga aplikante na pumasa sa CSE Professional Level, sila ay binibigyan ng Service Professional Eligibility, na siyang kailangan para sa permanent appointment sa first at second level positions sa gobyerno na kinabibilangan ng professional, technical, scientific, at managerial positions at kailangan mayroong apat na taong inilagi sa kolehiyo.
Sa kabilang banda, ang Sub-Professional Level passers naman ay ginagawaran ng Career Service Sub Professional Eligibility, na kailangan para sa permanent appointment sa first level positions gaya ng clerical, trades, crafts, at custodial service positions, na nangangailangan lamang ng less than four years ng college studies.
Paglilinaw ng CSC chairperson, hindi garantiya ang pagpasa sa civil service exam para makakuha ng trabaho sa gobyerno, kasabay ng giit na may kanya-kanyang panuntunan at kwalipikasyon ang bawat posisyon.
