Murder in broad daylight – the body of Eric Estrada, an alleged drug pusher lies along a busy street at Mayombo in Dagupan City morning early Thursday. Initial reports say unidentified assailants riding in a motorcycle shot Estrada in broad daylight. Six (6) empty bullet shells of still unknown caliber were recovered at the crime scene. Police said Estrada was listed in the BADAC drug watch list. October 6, 2016 / PHOTO/JOJO RIÑOZA/MB
HINDI na nagawa pang isugod sa pagamutan ang dalawang lalaki – kabilang ang isang senior citizen, matapos ratratin ng bala ng riding-in-tandem sa Barangay San Isidro sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.
Kinilala ng lokal na pulisya ang mga nasawi na sina Benedicto Castulo, 63-anyos at Joel Nicolas, 46 taong gulang na kapwa residente ng Purok 6 sa nabanggit na barangay.
Sugatan din sa pamamaril ng riding-in-tandem ang isang Charry Fe Castulo na patuloy na inoobserbahan sa pagamutan bunsod ng tinamong tama ng bala.
Ayon kay Bulacan provincial police chief Col. Relly Arnedo, dakong alas 5:50 ng kahapon ng umaga nang tapatan at paulanan ng bala ng riding-in-tandem ang mga biktimang nagkukwentuhan.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Barangay Paradise. Samantala, narekober ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng kalibre 45.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na pulisya sa pagkakakilanlan at motibo ng pamamaslang ng riding-in-tandem.
